MENU

 

Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha

 Ang tema ng Buwan ng Wika 2022 ay indikasyon ng patuloy na pagbabantayog ng mga nakasaad sa Republic Act 7104, Section 14 (h) “magsagawa sa mga antas na pambansa, rehiyonal, at lokal ng mga pagdinig pampublko, kumperensiya, seminar, at iba pang mga pangkatang talakayan upang umalam at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.”

Patunay rin ang tema ng Buwan ng Wika 2022 ay ang pagtaguyod sa 2022-2032 International Decade on Indigenous Language ng UNESCO.  Para sa inyong kaalaman ito ang Mapa ng Wika Pilipinas na nagpapakita ng mga wikang ginagamit sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa.